Friday, October 9, 2009

PAGBIBIGAY PUGAY SA MGA GURONG NAGBIGAY NG GABAY

"MGA GURO, MGA BAYANI"




mga litrato galing sa flickr.com

Pasalamatan natin ang ating mga guro na nabigay sa atin ng talino at gabay. Sila ay isang mga bayani, kulang ang salapi upang sila'y pasalamatan sa kanilang mga sakripisyong ginawa upang maisalba lamang ang mga pag-asa ng bayan sa kamangmangan.

Pasalamatan ang inyong guro sa pamamagitan ng pagkomento.

Sunday, September 27, 2009

NAIS KONG IPAABOT ANG MENSAHENG ITO SA NAKAUPONG MAKAPANGYARIHAN


ipa-alam ang inyong mga opinyon at kuro-kuro sa mga nangyayari ngayon sa ating bansa. Tayo'y maki-alam at huwag maging manhid, marami ang makikinig. Magcommento ng mga opinion sa post na ito.

LITRATO NG PAGHIHIRAP NG PINOY SA HAGUPIT NI ONDOY by flickr.com











ISANG MALAKING NGITI DAHIL SA BAGYONG ONDOY

Napapansin nyo ba, ang mga pulitikong nagsulputan sa telebisyon, handang tumulong sa mga taong nasalanta ng hagupit ng bagyong Ondoy?

Alam kong maganda ang kanilang ginagawa, nagmamalasakit sa nasalanta ngunit kulay puti nga ba ang kanilang tunay na hangarin o nabahiran na ba ito ng putik ng tubig baha?

Hindi kaya ginagawa nila itong isang opportunidad upang maipakita sa madla ang kanilang pagkakawang-gawa?

Ito ba ay isa palabas na ang mga artista ay nagplaplastikan lamang? malamang sila na ang maitatanghal bilang best aktor at aktres sa isang pretending role.

Nakakainis isipin na ginagawa itong isang opportunidad ng mga pulitiko ang mga pagkakataong ganito. Sana nama'y malinis nga ang hangarin nyo.

Sambit pa nga bibig ko, sana babaha araw-araw upang nang sa ganun lahat ng mga pangangailangan ay
matugunan. Sana man lang, bumaha man o umaraw patuloy paring umaapaw sa tutulong ang mga taong makapangyarihan sa mga taong di pinalad sa buhay.

Saturday, September 26, 2009

BINGIT NG PANGANIB: BAGYONG ONDOY









Panatag ba ang aking kalooban sa ngayon?

Maaga akong umalis ng bahay mejo maulap at umaambon ngunit di lingid sa aking kaalaman na talagang malala na nga pala ang epekto ng bagyong Ondoy.Pagkagising ko mga ganap alas-siyete ng gabi, nagimbal ako sa aking nakita sa telebisyon, mga taong sumasakay sa bubong na naitangay na ng tubig ulan (sa lugar ng San Mateo, Rizal) pilit silang iniligtas ng mga residenteng nakakita ngunit hindi na nakaya dahil sa lakas ng alon. Ang tanong agad ng aking isipan ay buhay pa kaya sila ngayon? Nakakayanan kaya nila ang hagupit ng mga alon? Tila naging dagat na ang dating mga kalsadang puno ng sasakyan na ngayon mga rubber boats at rescue boats na ang sumusuyod upang mailigtas ang marami pang tao na nasa bingit na ng panganib. Naisip ko tuloy kung anong magagawa ko para sa mga taong nangangailangan ng tulong ko. Sa ngayon mga panalangin lang ang aking maibabahagi.

Nakakalunos na eksena ang aking nakikita sa telebisyon, mga litrato at video na nagpapakita ng hagupit ng bagyong Ondoy. Di ko tuloy maiwasan na maluha at manindig ang balahibo sa lubos na pag-alala at awa sa mga taong nasalanta.

Ito na marahil ang pinakamatinding bagyong naranasan ng Pilipinas sa loob ng 42 taon. Ayon sa PAGASA ang pagbuhos ng ulan ngayon sa loob ng anim na oras ay tulad na ng isang buwang pag-ulan. Ito na kaya ang epekto ng Global Warming? Malamang ito nga.

Ako'y naaawa sa mga nanghihingi ng tulong sa autoridad, kumagat na ang dilim at maghahatinggabi na ay di parin naaabot ng mga rescuers. Nakakapanghinang isipin na wala akong magawa upang matugunan ang kanilang sigaw. Kakaunti lamang ang mga pacilidad at kagamitan ng ating ahensyang nakatalaga sa mga emergency disasters na tulad nito.



Ngunit sa likod ng matinding pananalasa ng bagyong Ondoy naipakita ang pagkakaisa ng mga tao, nagtulong tulong at naghawak kamay upang matawid ang may abot bewang na tubig baha na kalsada, ang mahigpit na yakap ng ama sa kanyang anak habang sila'y inililigtas mula sa kanilang bubungan at iba pang nakaka-antig pusong pagtulong ng mga apektado sa isa't-isa. Marami ring nag-abot ng kanilang tulong, nagbigay ng 50 libong dolyar ang embahada na Estados Unidos bilang tulong sa Piipinas.

Lahat ang apektado, mayaman at mahirap, sikat at di sikat, matanda at mga bata ay nagulantang sa hagupit ng bagyo at nangangailangan ng matinding tulong. Ngi ako nga na nasa kabilang dulo ng Pilipinas ay ramdam na ramdam ang kasawian at kahirapan na nararanasan ng mga apektado sa bagyo.

Makakatulog pa kaya ako ng mahimbing ngayong gabi na aking nasa isip ay ang mga taong humihingi ng tulong at nasa bingit na ng kamatayan?

Ano kaya ang madaratnan ko bukas sa balita? Ang tanging hiling ko at dalangin ay marami pa sanang masasagip at matulungan.

Hahagupit pa kaya si Ondoy bukas o tatahimik na ito at huhupa na ulan at tubig baha?

Anong lugar naman kaya ang susunod sa kinahinatnan ng Pilipinas?

Ano naghihintay sa Pilipinas pagkatapos nitong baha?

Makakapagsimula kaya muli ang mga Pinoy? Sigurado akong... babangong ulit ang pinoy.

MGA MUNTING KURO-KURO SA MINIMITHING PAGBABAGO NG PILIPINAS.




 mga litrato galing sa flickr.com

Sino nga na namang nasisiyahan sa kinasasadlakan ng Pilipinas ngayon? Magiting man ang mga tao sa pagtutulak ng pagbabago ngunit ano nga ba ang nagagawa nito. Sunod sunod ang kilos protesta at mga propaganda ngunit tila parang binabalewala lamang ito. Iba't ibang imahe na ng pagbabago ang ipinakita, kailan kaya matatamo ang matagal nang inaasam na katarangunan.

*PAGBABAGO SA SYSTEMA NG PAGBOBOTO

Paano ba nakakasiguro ang mga tao na ligtas sa pandaraya ang makabagong paraan ng pagboboto? Di ba masmadaling mamanipula ang mga bagay na pinapagana ng teknolohiya? Tulad na lamang ng mga computer games diba't may nagsusulputang mga koda upang madaya ito? Malamang possible rin sa halalan!

*SA PAGPILI NG PINUNO

Isang kritikal na desisyon ang pagpili na pinunong ihahalal. Pinunong dudulot na pagbabagong kinakailangan ng ating bansa. Paminsan-minsan kinakailangan din nating maging mapanghusga nang sa gayon ay lubos nating makilala ang isang tao. Para silang mga kabute, bigla biglang nagsusulputan, may mga makamandag at meron namang ang tanging hangad ay kabutihan. Ngunit pano nga ba nalalaman ang tunay na hangarin ng isang pulitiko? ito ba'y sa pamamagitan ng pag-iingay sa telebisyon? Ito ba'y sa pamamagitan ng pagdidikit ng mga mala-anghel na mukha sa mga pader na sira-sira? Ito ba'y sa pamamagitan ng pagkakabit ng mga magagandang tarpaulin sa mga wire ng kuryenteng nakaw? Ito ba'y sa pamamagitan ng mga platapormang tila pamporma lamang at dagdag pogi points lamang ng mga pulitiko? MGA PLATAPORMANG NAGING MAGKASINGKAHULUGAN NG KASINUNGALINGAN. May napili na ba kayong iboboto?


*AKO ANG SIMULA?

Ako nga ba ang simula? kaya ko nga bang simulan ang pagbabago? Ako'y hamak na estyudante lamang, wala pa sa sapat na gulang upang bumoto ngunit di nangangahulugang ako'y magiging bato na lamang sa paghihimok ng katarungan para sa lahat. Bata pa man kung ako'y tawagin ay nararanasan ko rin ang kahirapan dulot ng mga kasamaang ginagawa nang naka-upo.

Hindi ako bulag, kitang kita ng mga mata ko ang kahirapan na kinasasadlakan ng nakakarami at ang kaginhawaan ng kakaunti.

Hindi ako bingi, Rinig na rinig ko ang mga sigaw at iyakan ng mga taong nanghihingi ng tulong, sigaw na tagos sa puso na tila di naririnig ng mga nakasakdal at tawa ng kaligayan ng mga taong marangya.

Hindi ako manhid, ramdam na ramdam ko kasawian, kahirapan at gutom ng mga taong di man lang makakain ng tatlong beses sa isang araw at ang kabusugan ng mga mayayamang lumulubo na sa katabaan.

Alam kong hindi lamang ako ang nakakakita, nakakarining at nakakaramdam nito. Mananatili na lamang ba tayong  bulag, bingi at manhid na parang isang bato? Hindi ko kaya ang mag-isa lamang, ano nga bang laban ko sa makapangyarihang naka-upo. Magsamasama tayo, magtulungan at magkaisa para sa iisang hinahanagad, TAYO ANG SIMULA NG PAGBABAGO!


Ito ay mga opinyon lamang at mga sariling kuro-kuro hingil sa nalalapit na 2010 election. Wala akong nais na paringgan at kung kayo nga nama'y natamaan, problema nyo na yun at kung kung kayo naman ay aking nahikayat at napukaw ang damdaming makabayan, samahan nyo ako sa pagbabago.

Thursday, April 9, 2009

MGA PAGBABAGO

Kasabay ng pagbabago ng buhay ay ang pagbago ng mga kaibigan... may mga nanatiling malapit at meron namang tila sumakabilang buhay na. Ngunit sa ngayon ako'y masaya sa aking mga bagong kakilala, mga bagong pagsasama, at higit sa lahat mga bagong taong nagbibigay ng bagong kasiyahan sa aking buhay.

PAGLISAN

Di ko man lubos na maisip na lahat ng bagay na aking kinasanayan, kinalakihan at kinanalulugdan ay tila nawala na lamang na parang bula.

Sabay sa pagpalipas ng oras ay unti-unti na ring nagsiwalaan ang mga taong naging bahagi na ang aking buhay. Mahirap mang tanggapin ay kailangan paring lunukin. Sabi pa nga ng marami "ang tanging bagay na di nagbabago ay ang pagbabago". Malamang tama, ngunit masakit sa puso na mawala o magbago ang mga bagay na natutunan mo ng mahalin at pahalagahan. Araw araw ako'y nasasaktan dahil aking naaalala ang mga sandaling sila'y kasama at tila isang malamig panaginip na lamang ito. Isang dati'y magnadang panaganip na naging bangungot dahil sa kanilang kawalan.



Subalit sabay ng kanilang paglisan ay ang pagdating ng mga bagong saya sa buhay. Ika nga ang pagbabago ay nagdudulot rin ng kasiyahan. Ako'y lubos na natutuwa sa pagsibol ng mga bagong pagsasama, mga kaibigang inakala ko na di ko malalapitan, ang mga taong akala ko hindi ako naiintindihan. Ngunit sa likod ng mga ngiting aking kinukubli ay ang mga luha ng pagnanasang makasama sila ulit.

Siguro nga ako'y kinalimutan na o di kaya ako mismo ang nanglimot sa kinila. Gusto ko man sanang maabot silang muli ngunit papano? kung tila sirado na ang kanilang pintuan ngi bintana di na maaninag dahil na rin siguro sa may mga bago na rin silang kaibigang natagpuan.

Kayo'y masaya na. Ako'y di na manggugulo. Paalam. Salamat Na Lang.